Maligayang sa ating ikalawang aralin! Sa aralin na ito, sasagutin natin ang tanong na: Ano-ano nga ba ang mga kasanayang kailangang matutuhan ng isang bata upang matutong magbasa?

Balikan muna natin ang itinuro ko noong unang aralin: ang bawat salita ay may mga tunog o ponema, letra o titik, at kahulugan. At ang proseso ng pagbasa ay ang pag-uugnay ng mga tunog, letra, at kahulugan. 

Dahil ito ang kailangan nating pag-ugnay-ugnayin, may tatlong mahalagang kasanayan na kailangang maituro sa mga bata. Ano-ano po ‘yon?

Narito po sila: 

Phonemic Awareness – Kamalayan sa Pinakamaliit na Tunog ng Salita

Alphabetic Knowledge – Pagkilala sa Letra at Tunog

Language Comprehension – Pag-unawa sa Wika

Medyo mahaba po pakinggan, pero huwag po kayong mag-alala — ipapaliwanag ko ito sa simple at malinaw na paraan, at bibigyan ko rin kayo ng mga praktikal gawain na puwedeng gawin sa bahay.

Handa na po ba kayo? O, magsimula na tayo!