Maligayang pagdating! Sa bahaging ito, malalaman po ninyo kung ano ang layunin ng kursong ito, paano ito gamitin, at kung paano po kayo matutulungan nitong maturuan ang iyong anak na magbasa sa Filipino.
Sa unang aralin, aalamin po natin kung paano natututo magbasa ang mga bata ayon sa Science of Reading. Tatalakayin po natin ang proseso ng pagkatuto mula sa pakikinig at pag-unawa ng wika hanggang sa pagkilala at pag-unawa ng mga tunog at letra.
Sa ikalawang aralin, tatalakayin po natin ang mga pangunahing kasanayang kailangang matutuhan ng mga bata upang sila ay matutong magbasa—gaya ng kamalayang ponolohikal, pag-uugnay ng tunog at letra, at pag-unawa sa wika. Bibigyan po kita ng mga halimbawa ng mga gawaing makatutulong upang malinang ang mga kasanayang ito sa inyong tahanan.
Sa ikatlong aralin, ipakikilala ko po ang Marungko Approach—isang sistematikong paraan ng pagtuturo ng pagbasa batay sa tunog. Matututuhan po ninyo kung ano ang pagkakasunod-sunod ng mga tunog/letra sa ating mga aralin sa Reading Bulilit, paano ito itinuturo, at anong mga aktibidad ang maaaring gamitin upang matulungan ang iyong anak sa pagkatuto.
Tapos mo na po ba ang kurso? Oras na para lumahok sa giveaway!
Mag-submit ng kopya ng iyong Certificate of Completion gamit ang Google Form (scan mo lang ang QR code sa video) para magkaroon ng pagkakataong manalo ng libro.
Maaari po ninyong gamitin ang aklat para sa iyong anak, o iregalo ito sa ibang batang nangangailangan.
Huwag po ninyong kalimutang magsubscribe sa newsletter upang makatanggap ng mga aralin para sa inyong bata. Dalawang aralin bawat linggo ang darating sa iyong inbox—mag-subscribe na!
Kaya po natin yan, basta nagtutulungan at nagdadamayan.
Nagmamahal at nagpapasalamat,
Teacher Ruby