Maligayang pagdating sa Reading Bulilit! Naniniwala kami na karapatan ng bawat batang Pilipino na matutong magbasa at magsulat.

Ang aming misyon ay palakasin ang kasanayan sa pagbasa at pagsulat ng bawat batang Pilipino saan mang panig ng mundo, upang mabigyan sila ng pagkakataong magtagumpay at makamit ang kanilang mga pangarap sa buhay.

Ang mga Layunin ng Reading Bulilit:

  1. Turuan ang mga bata na magbasa at magsulat.

  2. Hikayatin ang kasiyahan at interes sa pagbabasa.

  3. Linangin ang pag-asa sa pamamagitan ng pagkukuwento.

  4. Itaguyod ang karapatan ng bawat bata na matutong magbasa, anuman ang kanilang kalagayan sa buhay.

Matuto at Magturo!

Sali ka na sa 🏆 Reading Champions Club at tumanggap ng libreng aralin sa pagbasa bawat linggo!

Kapag ikaw ay nag-subscribe, makakatanggap ka ng 2 aralin bawat linggo sa iyong email. Ang bawat aralin ay may kasamang gabay para sa aralin, mga video lessons, at printable worksheets na makatutulong sa’yo na turuan ang iyong anak na magbasa — kahit wala kang karanasan sa pagtuturo!

Nais kong sumali sa Reading Champions Club. 🏅

Ganito po ba ang nararamdaman ninyo?

  • Pag-aalala - Dahil hindi pa marunong magbasa si bunso, hirap siyang maunawaan ang mga letra, tunog, at salita. Iniisip mo kung maaagapan mo ba ito bago siya mahuli sa klase.

  • Pagod - Sa dami ng responsibilidad—trabaho, gawaing bahay, at pag-aalaga sa pamilya—hirap ka nang hanapan ng oras at lakas ang pagtuturo ng pagbabasa kay bunso.

  • Pagkalito - May kanya-kanyang payo ang mga tao sa paligid mo. Sabi ni Aling Nena, ganito raw ang tamang paraan ng pagtuturo, pero iba naman ang sabi ni Tita Carla. Dagdag pa rito, ang guro ni bunso ay may ibang pamamaraan. Hindi mo na alam kung alin ang susundin.

  • Pangamba - Nangangamba kang hindi sapat ang ginagawa mo, at baka hindi matutong magbasa si bunso sa tamang panahon. Nais mong siguraduhing tama ang iyong mga hakbang para sa kanyang kinabukasan.

“A parent’s role in fostering a love of reading is one of the greatest gifts they can give their child.”

Dito po sa Reading Bulilit, malalaman ninyo kung paano matutulungan ang inyong anak na magkaroon ng matibay na pundasyon sa pagbabasa.

Sa bawat pahina, bawat tunog, at bawat salita, bubuksan natin ang pintuan ng mas maliwanag na kinabukasan para sa inyong anak. Huwag kayong mag-alala—hindi ninyo kailangang gawin ito nang mag-isa. Kasama ninyo ako, handang umalalay at magbigay ng suporta.

Simulan na natin ang pagbabasa at gawing isang makulay na karanasan ang pagkatuto ng inyong anak!

  • Free

Pagsisimula sa Pagbasa: Gabay para sa mga Magulang sa Epektibong Pagtuturo ng Pagbasa

  • Course
  • 10 Lessons

Ang "Pagsisimula sa Pagbasa: Gabay para sa mga Magulang sa Epektibong Pagtuturo ng Pagbasa" ay isang libreng kurso para sa mga magulang na nagtuturo ng pagbasa sa mga batang edad 3–7. Nakabatay ito sa Science of Reading at nakaayon sa Marungko Approach. May mga video lessons, tips, at printable materials na makatutulong sa pagbuo ng matibay na pundasyon sa pagbasa—mula mismo sa tahanan.

Kumusta po!

Ako po si Teacher Ruby, isang reading coach para sa mga batang nasa elementarya.

Naiintindihan ko nang lubos ang mga hamon na hinaharap natin bilang mga magulang sa pagtuturo sa ating mga anak na magbasa. Minsan, hindi natin alam kung paano nga ba magturo, saan dapat magsimula, at anong programa ang dapat sundin.

Sa Pilipinas, maraming bata ang nahihirapan pagdating sa literasiya. Nakalulungkot makita ang mga batang nawawalan ng pagkakataong maranasan ang saya ng pagbabasa dahil sa mga hamong ito.

Pero narito po ang magandang balita: may malinaw na landas tungo sa tagumpay sa pagbabasa.

Narito ako para tumulong! Sama-sama nating gawing masaya at kapana-panabik ang pagbabasa para sa inyong anak. Matutulungan natin silang magkaroon ng tiwala sa sarili at pagmamahal sa mga libro na magtatagal habambuhay.

Handa na po ba kayong matuto at magturo?

Tara! Samahan po ninyo ako.

Reading Boost Camp

Sa Reading Boost Camp, matututuhan mo kung paano ituro ang pagbasa gamit ang mga prinsipyong batay sa Science of Reading. Ang kursong ito ay may anim na modules na magbibigay sa iyo ng tamang kaalaman at kasanayan upang epektibong magturo ng pagbasa sa mga bata—bilang isang magulang, reading tutor, o guro. Sa pamamagitan ng madaling sundan na mga aralin at makabuluhang aktibidad, magiging mas simple, masaya, at epektibo ang pagtuturo ng literasiya. Layunin naming gawing kapana-panabik, makabuluhan, at puno ng inspirasyonang bawat sandali ng pagkatuto—upang ang bawat batang Pilipino ay matuto at maabot ang kanilang buong potensyal sa pagbasa at pagsulat.

Teach Your Child to Read

Parent Guides and Workbooks

Para sa mga magulang na nais maging aktibong bahagi ng pagkatuto ng kanilang anak, ang aming Teach Your Child to Read Book Series ay magiging kasama ninyo sa paglalakbay na ito. Ang mga aklat na ito ay idinisenyo upang gawing madali, epektibo, at makabuluhan ang pagtuturo ng pagbabasa. Saklaw nito ang mahahalagang konsepto tulad ng phonemic awareness, phonics, letter sounds, at decoding skills, kaya’t may malinaw at sistematikong gabay ka sa bawat hakbang ng pagkatuto ng iyong anak. Ang bawat aklat ay madaling sundan kaya kahit wala kang karanasan sa pagtuturo, magagawa mong gawing masaya, makulay, at puno ng sigla ang pagbabasa!

“All children have the fundamental right to a highly-effective reading instruction.”

- Teacher Ruby of Reading Bulilit