Matuto at Magturo!

Sali ka na sa 🏆 Reading Champions Club at tumanggap ng libreng aralin sa pagbasa bawat linggo!

Kapag ikaw ay nag-subscribe, makakatanggap ka ng dalawang aralin bawat linggo sa iyong email. Ang bawat aralin ay may kasamang gabay para sa aralin, mga video lessons, at printable worksheets na makatutulong sa’yo na turuan ang iyong anak na magbasa — kahit wala kang karanasan sa pagtuturo!

Nais kong sumali sa Reading Champions Club. 🏅

MGA ARALIN

Ang bawat aralin po ay tumutulong sa mga bata na magkaroon ng matibay na pundasyon sa pagbasa. Bawat aralin ay inaasahang tatagal ng 10–15 minuto, at maaaring ulitin sa loob ng dalawa hanggang tatlong araw. Ang mga aralin ay kailangang gawin kasama ka — bilang magulang o guro — at hindi nakalaan para sa sariling pag-aaral ng bata.

Ang bawat aralin ay nakabatay sa mga naunang leksyon, gamit ang pagsasanay at pag-uulit upang matiyak ang tuloy-tuloy na pagkatuto. Huwag laktawan ang mga aralin. Ang pagsunod sa tamang pagkakasunod-sunod ay makatutulong sa bata na unti-unting mapaunlad ang kanyang kakayahan sa pagbasa.

📌 I-click ang bawat aralin sa ibaba upang mapunta sa kaukulang blog post.

YUNIT 1

Ang Ating Matututuhan: Sa yunit na ito, pag-aaralan natin ang mga titik M, S, A, I, O, at B, pati na rin ang kanilang mga tunog. Matututuhan din natin ang wastong paggamit ng mga karaniwang salitang "ang" at "ay." Bukod dito, magsasanay tayo sa pagsasama-sama ng mga tunog upang makabuo ng mga salita at makapagsimulang magbasa.

YUNIT 2

Ang Ating Matututuhan: Sa yunit na ito, pag-aaralan natin ang mga titik E, U, T, K, L, at Y, pati na rin ang kanilang mga tunog. Matututuhan din natin ang paggamit ng mga karaniwang salitang "may" at "mga." Bukod dito, magsasanay tayo sa pagsasama-sama ng mga tunog upang makabuo ng mga salita at patuloy na magsanay sa pagbasa.

YUNIT 3

Ang Ating Matututuhan: Sa yunit na ito, pag-aaralan natin ang mga titik N, G, R, P, D, at H, pati na rin ang kanilang mga tunog. Matututuhan din natin ang paggamit ng mga karaniwang salitang "ng" at "nang." Bukod dito, magsasanay tayo sa pagsasama-sama ng mga tunog upang makabuo ng mga salita at patuloy na magsanay sa pagbasa.

YUNIT 4

Ang Ating Matututuhan: Sa yunit na ito, pag-aaralan natin ang mga titik W at NG, pati na rin ang kanilang mga tunog. Matututuhan din natin ang iba't ibang kambal-katinig at kung paano ito binibigkas. Bukod dito, tatalakayin natin ang mga hiram na letra tulad ng F at Z, kasama ang kanilang mga tunog.

YUNIT 5

Ang Ating Matututuhan: Sa yunit na ito, pag-aaralan natin ang mga hiram na letra: J, V, C, Ñ, Q, at X, kasama ang kanilang mga tunog. Magsasanay din tayo sa pagsasama-sama ng mga tunog upang makabuo ng mga salita, palawakin ang ating bokabularyo, at higit pang paghusayin ang ating kasanayan sa pagbasa.